Posted January 30, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa inisyal na report ng BTAC, nagkasalubong
ang dalawang motorsiklo na isang XRM at SYM sa nasabing lugar nang mangyari ang
insidente.
Paliko umano sana ng Tambisaan ang XRM na motor
nang mawalan ito ng kontrol at naagaw ang linya ng SYM na papuntang Manoc-Manoc
na naging dahilan ng banggaan.
Napag-alaman naman sa imbestigasyon ng mga pulis na
nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang driver ng XRM na motorsiklo.
No comments:
Post a Comment