YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 06, 2014

3 bakasyunista, ninakawan sa Boracay; Suspek na umano’y may dalang bolo, at large

Posted May 6, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang tatlong mga babaeng bakasyunista matapos na nakawan sa isla ng Boracay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, ala una kanina ng madaling araw habang nakatayo umano ang dalawa sa mga biktima sa veranda ng kanilang nirerentahang kwarto sa isang resort sa Balabag Boracay nang pumasok ang isang hindi kilalang lalaki.

Pahayag ng mga biktima, may dala-dalang bolo ang suspek kung saan inutusan nito ang mga biktimang buksan ang kanilang wallet na nakapatong sa mesa at ibigay ang pera.

Nasabat ng suspek ang pera ng mga biktima na nagkakahalaga ng mahigit pitong libong piso at ilan pang mga foreign currencies.

Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing pagnanakaw.

No comments:

Post a Comment