YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 17, 2014

Diving, patok sa mga turista sa Boracay ngayong summer

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patok sa mga turista sa Boracay ngayong summer ang diving.

Ayon sa ilang dive shops sa isla, nakakarelax sa katawan ang diving, bagay na kapansin-pansin ang pagkahumaling ng mga turista dito.

Nabatid na pawang mga Koreano ang karamihan sa mga turistang mahilig mag-dive sa mga sikat na dive sites sa isla katulad ng Angol Point, Coral Garden,Din-iwid, Balinghai, Punta Bunga at Yapak.

Nitong nakaraang taon, inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang Dive Market Development Group upang makapag-imbita ng maraming divers sa bansa.

Samantala, maliban sa diving, patok din sa mga turista ang parasailing, island hopping, at iba’t-ibang water and sea sports activities sa isla.

No comments:

Post a Comment