YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 17, 2014

MS Costa Victoria, darating na ngayong umaga

Ni Bert Dalida Yes FM Boracay

Handa na ang mga taga Boracay PNP, Maritime Police, Philippine Coastguard, Army, maging ang mga securities para sa Jetty Port.

Nakahanda na rin para sa isang pagsalubong ang mga taga Aklan Provincial Government at DOT o Department of Tourism at Malay Tourism Office.

Darating na kasi ngayong umaga ang cruise ship na MS Costa Victoria para bumisita sa isla ng Boracay.

Ayon kay DOT Officer in charge Tim Ticar, ngayong alas 7 ng umaga ang expected arrival ng nasabing barko, na may humigit-kumulang 2, 300 na mga pasahero at mahigit 800 crew.

Katulad ng mga dumaan at bumalik na cruise ship sa Boracay, inaasahang mamamasyal din umano dito ang mga bisitang sakay ng Costa Victoria.

Kaya naman sinabi ni Ticar na kanilang inerekomenda ang mga lugar sa isla na maaaring daanan o pasyalan ng mga turista katulad ng Ati Village, D’Mall, Mt.Luho, Puka Beach, Mangrove Area, at ang mismong Long Beach ng Boracay.

Inaasahan naman ng mga taga Aklan Provincial Government at DOT na magiging maganda pa ang promosyon ng Boracay sa mga lugar ng mga bababang turista.

No comments:

Post a Comment