YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 21, 2013

Mga sumunod sa 25+5 easement sa Boracay, umabot na 44

Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay

Umabot na 44 ang mga establishementong sumunod sa 25+5 easement sa isla ng Boracay.

Ayon kay Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo, 28 pa ang patuloy na sumasagawa ng demolisyon ng kanilang mga establishementong pasok sa 25+5 easement.

Kabilang naman umano sa may pinakamaraming sumunod sa self-demolition ay ang mga establisyemento sa station 1.

Sinabi naman nito na ngayong katapusan ng buwan ng Oktobre ay mag-iikot sila sa bahagi ng mga tinamaan ng 25+5 kung sino ang mga sumusunod o hindi.

Nagsasagawa naman sila ng demolisyon sa mga hindi tumupad sa task force at tuluyan nilang tatanggalin ang mga establisyemntong hindi nag-comply sa nasabing batas.

Nagpapasalamat naman si SacapaƱo sa mga sumunod sa nasabing task force at darating din umano ang panahon na ang mga hindi sumunod ay susunod rin dito.

Nabatid naman na magkakaroon ng awarding ng certificate of compliance (CoC) sa Nobyembre a-singko sa mga may-ari ng establiyementong sumunod sa 25+5 easement sa Boracay.

No comments:

Post a Comment