YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, October 29, 2013

Mga incumbent brgy.Captain sa Malay, balik pwesto sa kakatapos na halalan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Balik sa pwesto ang mga incumbent baranggay. Captain sa Malay sa ginanap na halalan kahapon.

Kabilang dito ay ang baranggay captain sa Yapak na si Hector Casidsid, brgy. Balabag Lilibeth SacapaƱio, brgy.Manoc-manoc Abram Sualog, brgy. Caticlan Julieta Aron at Poblacion Malay na si Ric Calvario.

Kung saan lumamang sila sa kanilang mga katunggali at nakakuha ng mas matataas na bilang ng boto.

Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig, wala naman silang naitalang problema sa ginanap na halalan kahapon dahil patuloy naman ang kanilang pag-momonitor sa lahat n g mga present sa Malay.

Ikinatuwa naman ng mga incumbent baranggay. Captain ang kanilang pananatili sa pwesto para mamuno sa kanilang baranggay.

Samantala, ikinatuwa naman ng Comelec Malay na naging maayos at mapayapa ang naganap na baranggay eleksyon ngayon 2013.

No comments:

Post a Comment