YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 02, 2013

Willy’s Rock, Pababantayan na!

Ni: Bert Dalida, YES FM Boracay


“Pababantayan na ang Willy’s Rock’’.

Ito ang sinabi ni Barangay Balabag Lilibeth Sacapaño, kaugnay sa mga insidente ng nakawang nangyayari doon.

Ayon kay “Kap” Lilibeth, may tanod naman umano silang nilagay doon subali’t kulang talaga ang mga ito.

Nakapokus din aniya kasi ang skedyul ng mga tanod sa harap ng Boracay National High School, maliban pa sa mga lugar kung saan kailangan ang kanilang presensiya.

Magkaganon paman, sinabi pa ni Sacapaño na gagawan niya ng paraan upang malagyan ng Municipal Auxiliary Police o MAP ang lugar, para sa kaligtasan ng publiko.

Kasabay nito, muli namang nagpaaala si “Kap” Lilibeth sa lahat na pag-ingatan ang sariling mga gamit upang hindi mabiktima ng mga kawatan.



No comments:

Post a Comment