YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 09, 2013

Kabayanihan ng life guard volunteers sa isla, Kinilala ng Boracay Action Group

Ni: Bert Dalida, YES FM Boracay


Kinilala ng BAG o Boracay Action Group ang kabayanihan ng volunteers sa isla.

Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony kanina sa Balabag Plaza.

Ini-abot ni mismong Life Guard Supervisor Mike Labatiao ang Lifeguard Good Samaritan award sa mga life guard volunteers.

Ito’y may kaugnayan sa pagkakaligtas nila sa mga turistang nabiktima ng pagkalunod sa Boracay nitong nagdaang buwan.

Isa-isang tinawag para bigyan ng sertipiko ang mga life guard volunteers na sina Albert Moronio, Teody Colindres, Halim Dica, Ednil Espares, Gregorio Maming, Mark Ortega, at Godofredo SacapaƱo.

Maliban sa mga life guard volunteers, kinilala din ang kabayanihan ng mga MAP o Municipal Auxiliary Police at mga miyembro ng Philippine Coastguard.

Samantala, kasama rin sa pagbibigay ng award doon sina Island Administrator Glenn SacapaƱo, at BAG Adviser Leonard Tirol.

No comments:

Post a Comment