Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay Kalibo International Airport Manager Engr. Percy
Malonesio, bandang alas otso kaninang umaga nang mangyari ang insedente matapos
mag-u turn ito para lumipad.
Sinasabing bigla na lamang lumagpas ang mga gulong nito
sa run way, dahilan upang maantala ang iba pang mga biyahe doon, at may mga na
stranded na mga pasahero.
Dagdag pa ni Malonesio, hanggang ngayon ay hindi parin ito
nakukuha sa run way at sinusubukan parin nilang maialis ito para maibalik na
ang operasyon sa nasabing airport.
Samantala, wala namang naiulat na nasaktan dahil sa
nasabing insedente.
No comments:
Post a Comment