Ito ang inihayag ni Merza Samillano, CENRO Officer ng Boracay sa panayam dito.
Ayon sa CENRO, ang mga gusaling wala ECC sa Boracay na bagamat ay may Building Permit mula sa lokal na pamahalaan ng Malay ay na-isyuhan na aniya ng notice of violation ang Environmental Management Bureau ng DENR.
Lalo na yaong mga gusali na may mahigit isang libo metro kuwadrado ang lapad ng na-develop nasabing area, at ipinagpatuloy parin ang ginawang konstraksiyon kahit walang ECC.
Samantala, bagamat sinasabing daan-daang gusali pa sa Boracay ang walang ECC hanggang sa ngayon, hindi naman masabi ni Samillano kung ilan talagang establishemento sa isla ang wala nito.
Kung maaalala, kamakailan ay isiniwalat sa Sangguniang Bayan ng Malay na hindi na nagbibigay pa ng ECC ang DENR para sa mga gusali sa Boracay, at maging si Samillano ay ang nagsabing taong 1997 pa ipinatigil ng DENR ang pag-isyu nito sa isla. | ecm092012
No comments:
Post a Comment