Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Bakas sa pagmumukha ng mga residente at turista ang
pagkadismaya sa pananalasa ng sama panahon.
Apektado pa rin kasi ng bagyong Gener at hanging habagat maging
ang isla ng Boracay.
Kaugnay nito, apektado rin ang biyahe ng mga bangkang
tumatawid sa isla dahil sa halos maya’t-mayang pagbugso ng hangin, biglang
paglakas ng alon at ulan kahapon.
Dagdag pang kalbaryo sa mga pasaherong dumadaan sa
temporaryong daungan sa Tabon port, ang kawalan ng masisilungan kung kaya’t
napipilitang tumakbo pabalik sa terminal ng sasakyan doon ang mga ito.
Ayon naman kay PO1st Bobby Elbano ng Coastguard Boracay
Detachment, bagama’t hindi nila ipinakansela ang biyahe ng mga bangka ng kooperatiba
dito, ay kanselado naman ang operasyon ng mga fast craft bunsod na rin ng
malalakas na alon.
At dahil lalo umanong pinalalakas ng bagyong Gener ang
hanging habagat na nararanasan ngayon, minarapat ngayon ng coastguard na
paalalahanan ang publiko na ipagpaliban na muna ang paliligo sa dagat ngayong
araw dahil sa delikadong sitwasyon nito.
No comments:
Post a Comment