YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, January 24, 2012

X-ray machine sa Caticlan Jetty Port, dadagdagan na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa ramdam naman di umano ng mga opisyal ng probinsiya ang hindi kagandahang sitwasyon at kabit-kabit na problema may kinalaman sa turismo, lalo na pagdating sa serbisyo at pasilidad, naiisip na rin umano ng pamahalaang probinsiya ang bagay na ito, kung papaano mapa-unlad ang turismo ng sa ganon ay ma-angat ang industriya ng turismo ng Aklan at Boracay ngayon taon.

Kaugnay nito, sa ngayon ay masuri na umanong pinag-aaralan ng pamahalaan ng Aklan kung papano nila ito malulutas.

Pero sa kasalukuyan, ayon kay Aklan Governor Carlito Marquez, sila ni Congressman Joeben Miraflores ay walang humpay ang pakikipag-ugnayan sa ahensiya at departamento ng pamahaalan para magkaroon ng karagdagang proyekto para sa ikakaganda ng turismo ng probinsiyang ito.

Katunayan, nakikipag-ugnayan umano sila sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa mga kulang na gamit o pasilidad ng Kalbo International Airport.

Nasa palano na rin umano ngayon ani ng gobernador na bumili ng karagdagang x-ray machine at metal detector para sa Caticlan Jetty Port na inaasahang maisakatuparan ngayong buwan ng Pebrero.

Ito ay dahil sa nakita umano nila, na sobrang haba ng pila ng mga turista sa Jetty Port sa pagpapasiyasat palang nga mga bagahe lalo na kung magsabay-sabay magsidatingan ang mga dayuhang ito.

Ayon pa kay Marquez, nasa palano na rin nila ngayon ang pagdagdag ng mga daungan ng bangka, para pwede na sumampa sa bangka ang mga pasahero kahit sabay-sabay kung may sapat na bilang  ng hagdan o daungan ang mga sasakyang pandagat na ito.

No comments:

Post a Comment