YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 06, 2011

Pagkamatay ng dalagita sa Boracay, di pa malinaw ang dahilan

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Natapos na ang otopsiya sa bangkay ng labin-pitong taong gulang na dalagita matapos madiskubreng wala nang buhay at tinambakan ng bato sa isang maliit na kuweba  sa Sitio Lapus-lapus, Balabag Boracay nitong Linggo, ika dalawangput-siyam ng Mayo.

Gayunpaman, sa pahayag ni Supt. Sammuel Nacion, Hepe ng Boracay Pulis nang kapanayamin ito nitong umaga, sinabi opisyal na sa ngayon ay hindi pa nailalabas ang resulta ng otopsiya, kaya hindi pa matukoy kung ano talaga ang sanhi ng ikinamatay nito.

Sinabi din ni Nacion na may suspek na silang sinusundan sa kasalukuyan at hawak na nila ang pangalan nito. Pero wala umanong sapat na ebidensyang makakapagpatunay at madiin ang salarin.

Dahil dito patuloy parin ang pangangalap ng ebidensya ang Boracay Pulis na makakapagpatunay sa suspek na siyang tinuturo sa pagmakatay ng dalagita mapa testimonial o circumstantial evidence man ito.

Samantala, pormal na ngayong nailagak ang mga labi ng biktima matapos ibigay ito sa pangangalaga ng pamilya mula sa isinagawang otopsiya ng Regional Crime Laboratory nitong Miyerkules.

No comments:

Post a Comment