(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)
May planong makipag negosasyon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa pamilya ng Tirol ukol sa pitisyon na ipinabot ng mahigit dalawang daang katao Sitio Pinaungon Brgy. Balabag na siyang lumagda sa pangunguna ni Jesus Tapuz, na humihingi ng daan/kalsada para sa mga taong nasa likod ng pag-aari ng Tirol.
Batay sa sulat na ipina-abot ng nagpetisyon sa Konseho, umaapela sila bilang mamayan na nagpapatulong sa pangambang sa oras na magkaroon ng mag-aakupa sa property ng Tirol ay wala na silang madaanan pa.
Maliban sa konseho, hiniling din ng grupo na nagpitisyon kay Punong Brgy Lilibeth Sacapaño, Mayor John Yap at Gov. Carlito Marquez ang katulad na tulong.
Samantala, kahit mistulang nahihirapan ang konseho sa ganitong uri ng usapin ay may panibago paraan sila ngayong naiisip na siyang gagamitin nila sa negosasyon upang ma-aksyunan ang naturang daing.
Pero sa ngayon ay hindi pa nila ito masasabi sa publiko kung ano sapagkat mahirap aniya kapag umasa ang mga ito.
No comments:
Post a Comment