YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, April 18, 2011

Madalas na pag brown out sa Boracay, mababawasan na


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Siniguro ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa Boracay na hindi na madaragdagan ang init ng summer ngayong sa isla, dahil sa madalas na pag-brown out.

Ito ang inihayag ni Engr. Wayne Bucala ng Akelco ng makapanayam ng himpilang ito nitong sabado, ika labin amin ng Abril.

Ayon dito, para mabawasan na ang palagiang pagkaroon ng brown out, nagsagawa na sila ng Clearing sa mga linya nito biyernes lamang.

Gayun paman sinabi ni Bucala na kung magkaroon aniya ng brown out, marahil ay dala lang ito ng mga hindi inaasahan pagkakataon.

Inihayag din nito na walang dapat ipangamba ang publiko at mga negosyante sapagkat hindi naman magkakaroon ng kakulangan sa supply na kuryente sa Boracay.

No comments:

Post a Comment