Posted November 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit by aklanforum.blogspot.com |
Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan
(BAYAN)-Aklan at Rise-up Aklan ang daan-daang mga raliyestang Aklanon na
apektado ni Yolanda sa Pastrana Park para isagawa ang protesta na may temang
“Paniningil at Pagbangon”.
Nguni’t bago ito, nagkaroon muna sila ng simbolikong pagsisindi ng kandila sa kahabaan ng Kalibo-Numancia Bridge.
Nais umano ng mga ito na ipaabot sa Administrasyong
Aquino ang kanilang panawagan tungkol sa ipinangako sa kanilang shelter
assistance mula sa national government na nagkakahalaga ng P30,000 sa totally
damaged at P10,000 sa partially damaged na hanggang ngayon ay hindi parin umano
nila natatanggap.
No comments:
Post a Comment