Posted
November 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit ang ipinatupad na seguridad ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) para sa mga kandidata ng Miss Earth 2014 sa isla ng Boracay.
Mag aalas-8 kaninang umaga ng dumating sa Cagban Jetty
Port ang 28 kandidata mula sa ibat-ibang bansa.
Mula naman sa Cagban ay binakuran sila ng Boracay PNP
hanggang sa makarating ang mga ito sa kanilang tinutuluyang resort sa Station 1.
Matapos ito ay agad na nagtungo ang mga kandidata sa
beach front station 2 para sa kanilang pictorial na sinundan naman ng courtesy call
ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF).
Samantala, mamayang gabi ay magkakaroon naman sila ng dinner
party na inorganisa ng Boracay Holiday Resort.
Sa kabilang banda nakahanda narin ang mga taga Boracay
PNP para sa gaganaping coastal clean-up ng Miss Earth Beauties bukas ng umaga
simula Station 2 hanggang Station 1.
Susundan naman ito ng Resort Wear Attire Competition na
gaganapin sa Casa Pilar Beach Resort Station 3 bukas ng alas-7 ng gabi.
Nabatid na ang isla ng Boracay ay isa sa tatlong lugar sa
bansa na pinili para magkaroon ng environmental activity ang 28 kandidata mula
sa 90 official candidate ng Miss Earth na kung saan hinati ito sa tatlong
grupo.
No comments:
Post a Comment