Posted November 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kukunti nalang ngayon ang requirements ng foreign tourist
guides sa Boracay makaraang bawasan ito ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Ayon kay SB Member at Vice Chairman ng Committee on Laws
Leal Gelito, binawasan umano nila ang requirements ng Foreign Tourist guide at
Coordinators dahil sa ang ilan dito ay hindi naman masyadong kailangan at may
kunting bigat sa kanila.
Bagamat mananatili naman ang Brgy. Clearance, PESO I.D at
iba pang working permit na nagpapatunay rin sa mga ito na wala silang nilabag
na batas.
Nilinaw naman Gelito na ang pagtanggal ng ibang
requirements ay hindi nangangahulugan na hindi nila hinihigpitan ang pagpasok
ng mga tourist guides sa Boracay.
Samantala, patuloy ang ginagawang paghihigpit ng Lokal na
Pamahalaan ng Malay tungkol sa mga pumapasok na tourist guides at coordinators
sa isla ng Boracay para maiwasan ang ang mga ilegal tourguides na gumagawa ng
kanilang operasyon.
No comments:
Post a Comment