Posted
November 12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Susuyurin ng 28 naggagandahang kandidata ng 2014 Miss
Earth Beauties mula sa ibat-ibang bansa ang beach front ng Boracay bukas ng
umaga.
Sasabak kasi sila ng Coastal Clean-up, coral planting at
vegetation tree planting bukas sa pangunguna ng Boracay Foundation Incorporated
at Boracay Beach Management Program ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Ayon kay Raffy Cooper, marketing Officer ng BFI at isa sa
organizer ng nasabing aktibidad, ito umano ay bahagi ng Miss Earth 2014 competition
na gaganapin sa Nobyembre 29 sa University of the Philippines Theater sa Quezon
City.
Layunin umano nito na maipaabot sa kanila kung ano ang
ginagawang pagpapahalaga pagdating sa pangangalaga ng turismo ng Boracay
katulad ng restoration at coral refurbishment program.
Sa kabilang banda magpapakitang gilas naman ang 28
kandidata ng 90 official candidates bukas ng alas-7 ng gabi sa kanilang Resort
Wear Attire competition na gaganapin sa Casa Pilar Beach Resort Boracay.
Nabatid na ang 90 kandidata ay hinati sa tatlong grupo kung
saan ang 28 ay napunta sa Boracay at ang dalawang grupo ay sa ibang lugar naman
sa bansa nagkaroon ng environmental activity.
Samantala, sa mga nais manuod may 100 ticket na inilaan
ang BFI para sa mga gustong bumili na nagkakahalaga ng P1,
000 kung saan ang
dalawangpung porsyentong kikitain dito ay mapupunta sa coral restoration ng BFI
at ang 80 ay mapupunta naman sa Carousel Productions, Inc na organizer ng
nasabing event.
No comments:
Post a Comment