Posted November 12, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kaugnay nito, muling lumarga ngayong araw sa isla ang
Industry-wide General Assessment ng DOLE o Department of Labor and Employment.
Ayon kay DOLE Aklan Head Vidiolo Salvacion, para sa
mga establisemyentong hindi pa sumailalim sa general assessment ang limang araw
na aktibidad na sinimulan nitong umaga.
Paalala lamang ni Salvacion na kailangang dalhin
ang payroll at SSS payment ng kanilang mga empleyado.
Samantala, bibigyan umano ng certificate of
compliance ang mga nasabing establisemyento kapag hindi nakitaan ng anumang
paglabag sa mga ipinapatupad na labor code at hindi bibisitahin ng DOLE sa loob
ng dalawang taon.
Ayon pa kay Salvacion, bibisita din sa isla ng
Boracay sa November 18 si mismong DOLE Secretary Rosalinda Baldoz para sa
nasabing aktibidad.
No comments:
Post a Comment