Posted November 14, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Katunayan, naabutan mismo ng mga taga Municipal
Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang mga batang namamalimos nang sinuyod nila
nitong nakaraang linggo ang long beach mula station 3 patungong Station 1.
Maliban sa mga namamalimos, nasaksihan din mismo ng
MSWD ang mga batang gumagawa ng sand castle.
Tinatayang nasa edad lima hanggang sampung taong
gulang ang mga bata.
Dismayado naman ang mga ito sa sitwasyon lalo pa’t
naabutan din mismo nila ang ilang matatandang nagtatago sa madilim na bahagi ng
vegetation area at mistula ‘sinu-supervise pa ang mga bata.
Samantala, minarapat na lamang nilang kausapin at
pauwiin ang mga bata kasama ang kanilang mga nagpakilalang kamag-anak.
No comments:
Post a Comment