YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 13, 2014

Lasing na lalaki, isinugod sa ospital matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo kagabi

Posted November 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Huwag nang magmaneho kapag naka-inom ng alak”

Ito ang paulit-ulit na paalala ng mga otoridad sa mga motorista subalit ayon sa BTAC, may iilan pa rin talagang pasaway.

 Alas otso kagabi isang 25 anyos na lalaki na nakilalang si Randy SacapaƱo ang sumimplang sa kanyang minamanehong motorsiklo habang binabaybay ang kahabaan ng Balabag Boracay.

Ayon sa blotter report, ipinahayag ng ina ng biktima na nakipag-inuman umano ito sa kanyang mga kaibigan bago umalis ng kanilang bahay.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na aksidenteng nadulas ang sinasakyang motorsiklo ng biktima sa kalsada at tumama sa gutter, kung saan nahulog ito sa motorsiklo.

Samantala, nagtamo ng fatal head injuries si SacapaƱo dahilan upang ilipat ito sa isang ospital sa bayan ng Kalibo para sa kaukulang medikasyon.

No comments:

Post a Comment