Posted November 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) Aklan na wala pang pondong dumating para sa shelter ng mga
nasalanta ng bagyong Yolanda sa probinsya.
Ayon kay DSWD Aklan Provincial Head Evangelina
Gallega, marahil ang ilang mga natatangap na budget sa pagkukumpuni ng bahay ay
galing sa mga private sector o ibang organisasyon.
Sa ngayon umano kasi ang inaasikaso ng pamahalaan
ay ang pagsasaayos ng mga baradong kanal at iba pang mga nasirang
imprastaktura.
Samantala, nabatid na tiniyak ng National Housing
Authority (NHA) na matatapos na ang pagkukumpuni ng 12,000 bahay na pinondohan
ng gobyerno para sa 14,000 pamilya na biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa Visayas.
Subalit, napag-alaman na isa sa naging dahilan ng
pagkaantala ng proyekto ay ang pagkukumpleto ng mga dokumento na kailangan bago
simulan ang konstruksiyon ng mga bahay.
No comments:
Post a Comment