Posted
November 8, 2014
Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Isang lalaki sa
Boracay ang natagpuang patay sa kanyang boarding house sa Barangay Manoc-manoc
kagabi.
Nakilala sa
police report ng Boraca PNP ang lalaking si John Solanoy, 45 anyos ng
Poblacion, Nabas, Aklan.
Ayon sa may-ari
ng boarding house, huling nakitang lumabas sa kanyang kuwarto si John kahapon
ng umaga a hindi na lumabas para mananghalian at maghapunan.
Napag-alamang
nitong Linggo pa umano masama ang pakiramdam ng lalaki, subali’t tiniyak naman
nitong ‘ok’ siya nang tanungin ng kanyang mga kasama.
Samantala, dinala naman sa isang punerarya sa
Poblacion Nabas ang labi ng nasabing lalaki para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment