YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 12, 2014

Miss Earth 2014 Candidates sa Boracay mainit na tinanggap ng LGU Malay

Posted November 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mainit na tinanggap ng LGU Malay ang mga kandidata ng Miss Earth 2014.

Sa courtesy call ng Miss Earth Candidates nitong hapon sa BRTF o Boracay Redevelopment Task Force sa Balabag Action Center, masayang sinalubong ng mga empleyado ng munisipyo ang sampung naggagandahang kandidata.

Napaakyat din sa 3rd floor ng Action Center ang iba pang empleyado upang makapagpalitrato sa mga matatangkad na dilag.

Napamangha naman sa mga nasabing kandidata maging ang mag-asawang Boracay Island Administrator Glenn at Balabag Barangay Captain Lilibeth SacapaƱo.

Samantala, nabatid na hinati sa dalawang grupo ang mga nasabing kandidata, kung saan sampu ang nag-courtesy call sa BRTF habang sa ibang aktibidad naman ilan pa.

Ikinatuwa naman ng LGU Malay ang pagbisita ng mga kandidata.

No comments:

Post a Comment