Posted November 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nag-courtesy call kaninang tanghali ang ilang
kandidata ng Ms. Earth 2014 sa Boracay Redevelopment Task Force (BRTF).
Nabatid na isa ang isla ng Boracay sa mga tinungo
ng mga kandidata para e-promote ang Coral REEfurbishment Program ng Boracay
Foundation Inc. (BFI) sa isla.
Ayon naman kay Boracay Beach Management Program
(BBMP) Project Officer at Marine Biologist Al Lumagod, ang BFI at Ms. Earth
Foundation ay mayroon nang partnership tungkol sa nasabing proyekto upang madagdagan
ang mga corals sa isla ng Boracay.
Ang Coral REEFfurbishment Project ay bahagi ng
proyekto ng Coastal Resource Management Program at sa ilalim rin ng Boracay
Beach Management Program na inilunsad noong March 14, 2014.
Samantala, magkakaroon naman ng coastal clean-up ang
mga kandidata bukas ng umaga.
No comments:
Post a Comment