YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 08, 2020

Mag-asawa nasawi sa nangyaring banggan ng bus at tricycle kahapon


UPDATES: // June 8, 2020

Image may contain: one or more people, outdoor and nature
(CTTO)
Binawian ng buhay ang mag-asawang sakay ng tricycle sa nangyaring vehicular accident kahapon ng umaga sa Brgy. Union, Nabas, Aklan.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Cesar Sadiasa, 54-anyos at Celia Sadiasa, 58-anyos at residente ng Tagaroroc, Nabas.

Nangyari ang aksidente ng nabangga ng Ceres Bus Liner na menamaneho Dionito Gumboc ang traysikel kung saan naipit ang driver sa driver seat at tumilapon naman ang kaniyang maybahay.

Sa panayam kay Police Staff Sergeant Melvin Alba ng Nabas PNP, 10:23 ng umaga umano sila nakatanggap ng tawag na may aksidente ng banggaan na nangyari sa lugar kung saan agad naman nila itong nirespondihan.

Mabilis na dinala ang mga biktima sa ospital sa tulong ng MDRRMO Malay subalit binawian ng buhay ang lalaki sa Motag Hospital sa bayan ng Malay habang ang misis nito ay binawian din ng buhay ng i-refer ito sa ibang ospital.

Na-inquest na ang driver ng Ceres Bus na boluntaryong sumuko at nakatakda itong sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide.