Posted
November 14, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinamamadali na ngayong paayusin ng Boracay Redevelopment
Task Force (BRTF) sa mga kumpanya na may-ari ng mga sanga-sangang kable ng
kuryente sa Boracay.
Ito’y bilang paghahanda sa nalalapit na Asia Pacific
Economic Conference (APEC) Summit 2015 na gaganapin sa isla ng Boracay ngayong
darating na Mayo.
Nabatid na noong mga nakaraang buwan ay nagkaroon ng pagpupulong
ang BRTF kasama ang Malay Engineering Office tungkol dito upang pagplanuhan
kung papaano ito maaayos lalo na sa mainroad area.
Ayon sa BRTF, kasama rito ang kumpanya ng Aklan Electric
Cooperative (AKELCO) at isang telephone Company na ngayon ay inuumpisahan narin
nilang ayusin base na rin sa utos ng kanilang tanggapan.
Napag-alaman na ilan lamang ito sa mga nais baguhin ng
BRTF sa Boracay bago ang nasabing Summit susunod na taon.
Ang APEC Summit 2015 sa Boracay ay lalahukan ng mahigit
dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa kasama ang kanilang mga
pamilya at mga media organizations sa ibat-ibang sulok ng mundo.
No comments:
Post a Comment