Posted November 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ilang pamilyang biktima ng bagyong Yolanda sa Malay
ang umalma at napilitang lumapit sa YES FM Boracay.
Tinanggal umano kasi sa listahan ng MSWD o
Municipal Social Welfare Development Office ang kanilang mga pangalan at
pinalitan pa ng mga hindi naman biktima ng bagyo.
Ayon sa isang nagrereklamong hindi na pinangalanan,
inilapit nila ang problema kay mismong Poblacion Barangay Captain Ric Calvario.
Subali’t sinabi umano ni Calvario na wala itong
kinalaman sa sinasabing listahang pinalitan ang mga pangalan.
Samantala, isa namang nagrereklamo ang nagsabing
hindi umano ibibigay sa kanila ang bahagi ng tulong-pinansyal sa darating na
Disyembre kung hindi ang mga ito aalis sa sinasabing ‘No Build Zone’ area sa
nasabing barangay.
Kaugnay nito, ipinaabot ng mga nasabing pamilya sa
pamamagitan ng himpilang ito na ibigay sa kanila ang tulong na matagal na umano
nilang hinihintay mula sa pamahalaan.
No comments:
Post a Comment