YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 10, 2014

70 anyos na turista sa Boracay, nasaksak

Posted November 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sa halip na sa tinutuluyang resort magpahinga, sa ospital na pumasok para magpagamot ang isang 70 anyos na turista sa Boracay.

Nasaksak kasi ito kaninang madaling araw sa station 1 Barangay Balabag ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naglalakad lamang papunta sa grotto ang biktimang si Virgelio Bartolome ng Caloocan City nang may bumati sa kanya mula sa isang grupo ng mga tumatambay sa lugar na hindi naman nito pinansin.

Bigla na lamang umano siyang sinuntok ng taong bumati sa kanya na agad niyang naiwasan.

Samantala, tumakbo pa sana ang biktima subali’t nasaksak parin ito ng suspek.

Patuloy paring iniimbistigahan ng Boracay PNP ang nasabing kaso.

No comments:

Post a Comment