Posted November 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inihahanda na umano ng Provincial Health Office ng Aklan
ang ilang health facilities sa probinsya para sa nalalapit na pag-host ng isla
ng Boracay ng APEC Summit 2015.
Ito ang naging pahayag ni Aklan Provincial Health Officer
chief Dr. Cornelio Cuachon Jr., kung saan itinalaga umano ang Dr. Rafael S.
Tumbukon Memorial Hospital sa bayan ng Kalibo bilang isang primary hospital
facility para sa nasabing summit.
Bilang paghahanda patuloy din aniya ang kanilang
ginagawang pagsasanay sa mass casualties incidents bukod sa iba pang preperasyon
sa Asia-Pacific Economic Conference sa susunod na taon.
Nabatid na isa pa sa kanilang hinahabol na maayos ngayon
ay ang Don Ciriaco Memorial Hospital sa isla ng Boracay na kasalukuyang under
rehabilitation.
Bagamat matatagalan pa bago makumpletong maayos ang
tatlong palapag na hospital inuuna umano nila sa ngayong tapusin ang phase 1
bago ang gaganaping APEC Summit.
Ayon pa kay Cuachon inaasahan din nilang ang provincial
hospital at ang Boracay hospital ay maging handa sa malaking Conference na
gaganapin sa probinsya.
No comments:
Post a Comment