Posted November 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos silang makatanggap ng 38 na mga
bagong unit ng radio handset galing sa Regional Office ng Philippine National
Police (PNP).
Ayon kay BTAC Chief Police Senior Inspector Mark
Evan Salvo, malaki ang maitutulong ng bagong kagamitan lalo na’t parami ng
parami ang mga turistang bumibisita sa isla.
Mas mapapabilis na rin umano ang kanilang
pag-responde sakaling may mga mangyayaring insidente dahil sa maririnig agad ng
lahat ang impormasyong naipapadala.
Samantala, dumating ang mga bagong radio handset
para sa BTAC noong nakaraang Linggo.
Sa ngayon ay kasalukuyan pa itong inaaayos ng BTAC
para agad na magamit ng mga pulis sa isla.
No comments:
Post a Comment