Posted November 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
‘Hands off’ ngayon kaugnay sa reklamo ng mga
Yolanda victims sa Poblacion, Malay si Barangay Captain Ric Calvario.
Bagama’t tumanggi na munang magbigay ng pahayag,
minarapat ni Calvario na ipasa na lamang kay MSWD o Municipal Social Welfare
Development Head Magdalena Prado ang pagsagot sa nasabing problema.
Samantala, dismayado naman ang mga nagrereklamong
pamilya kaninang umaga nang malamang tumanggi ring magbigay ng pahayag si Prado
tungkol dito.
Base sa reklamo ng mga biktima ng bagyong Yolanda,
nag-aala ang mga ito na hindi maibibigay ang financial assistance na para sa
kanila dahil tinanggal ang kanilang mga pangalan sa listahan ng DSWD.
Nagtataka din umano ang mga ito kung papaanong nasa
bagong listahan ang mga pangalan ng mga hindi naman biktima ng bagyong Yolanda.
No comments:
Post a Comment