YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 10, 2014

3rd “Festival of the Winds” ng PRC Boracay-Malay Chapter, ipinagliban

Posted November 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ipinagpaliban muna ng Philippine Red Cross (PRC) Boracay-Malay Chapter ang “Festival of the Winds” na gaganapin sa isla.

Ayon kay PRC Malay-Boracay Chapter Deputy Administrator John Patrick Moreno, sa halip na November 14-16 ay sa November 28-19 na lamang ito gaganapin.

Ito’y para mas marami umanong mga chapter ng PRC ang makasali sa nasabing aktibidad, kung saan tatlo hanggang limang koponan pa lamang sa ngayon ang nagpalista sa kanilang tanggapan.

Nabatid na tampok sa dalawang na araw na aktibidad ang pagkakaroon ng Junior at Senior Life Guarding, Lantern Parade, Ocean Swim & Adventure Run, at Paraw Regatta.

Magkakaroon din ng under water clean-up na pangungunahan ng mga taga- Boracay Association of Scuba School (BASS).

Samantala, ang nasabing aktibidad ay sa pakikipagtulungan din ng lokal na pamahalaan ng Malay, Department of Tourism (DOT) at iba pang pribadong sector.

No comments:

Post a Comment