Posted November 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inihahanda na ngayon ng Sangguniang Bayan (SB)
Malay ang isang ordinansang magre-regulate sa ganitong uri ng water sport
activity.
Nitong ika-7 ng Nobyembre, inilatag ang draft
ordinance para sa paddleboard na ini-akda ni Chairman of Committee on Tourism SB
Member Jupiter Aelred Gallenero sa presenteng Boracay Stand-Up Paddleboard
Association.
Kaugnay nito, umani naman ng ilang komento galing
sa asosasyon ang nasabing panukala gaya ng pagpapataas ng limitasyon ng mga
paddleboards sa bawat station sa isla at pagpapalawak ng kanilang area of
operation.
Samantala, napagkasunduan na isusumite nila ang
kanilang mga komento at suhestiyon sa SB Malay para sa kaukulang pag-amyenda
rito.
Pinagpaplanuhan naman na ang Boracay Stand-Up
Paddleboard Association ay maging bahagi ng Boracay Water Sports Association
Incorporated (BWAI).
Hahahaha... lahat na lang pinakialaman. Pero hindi pinag iisipan ang mga proyektong maghahatid ng may mas pangmatagalang epekto sa pagpapanatili ng kagandahan at proteksyon sa isla ng Boracay. May kikita na naman ng pera dito tulad ng pagreregulate ng ibang activties sa isla. Pweh!
ReplyDelete