YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 12, 2014

Pagkokolekta ng buwis sa mga telephone companies sa Aklan, tinututukan na rin ng SP Aklan

Posted November 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tinututukan na rin sa ngayon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang pagkokolekta ng buwis sa mga telephone companies sa probinsya.

Kaugnay nito, sa ginanap na SP Regular Session, inimbetahan ng konseho si Provincial Treasurer Suzette Pioquid para sa isang interaksyon.

Nabatid na layunin ng SP Aklan na alamin ang status sa collection of franchise taxes galing sa mga kompanya ng telepono sa probinsya kasama na ang iba pang mga public utilities na mayroong mga franchises.

Samantala, napag-alaman din na kahapon ng hapon ay nagkaroon ng pagpupulong ang SP Aklan hinggil sa pagsasapinal ng General Base Market Values para sa taong 2015 sa probinsya ng Aklan.

No comments:

Post a Comment