Posted November 11, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy na umaani ng ibat-ibang reaksyon sa Social Media ang
umano’y planong pagpapatayo ng City Mall sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos pumutok ang balitang balak itong itayo ng
Double Dragon Company sa isa sa matataas
na bahagi ng lugar sa isla ng Boracay.
Bagamat wala pang naging reaksyon mula sa Local
Government Unit ng Malay tungkol dito, tila marami na rin ngayon ang
nagsasabing tuloy na nga ito.
Nabatid na dalawang City Mall ang itatayo sa probinsya ng
Aklan kung saan ang isa dito ay sa bayan ng Kalibo na ngayon ay malapit nang
simulan.
Napag-alaman na marami ang hindi pumapabor dahil tila
masyado na umanong over crowded ang isla ng Boracay para magpatayo pa ng nasabing
Mall.
Para naman sa ilan mas mainam umanong itayo nalang ito sa
Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay para ma-protektahan ang natitirang forest land
area ng Boracay.
Ngunit ayon sa pamunuan ng Double Dragon Company ang
inaasahang itatayong City Mall sa Boracay ay parang isa lamang umanong community
mall katulad ng supermarket na hindi gaanong malaki.
No comments:
Post a Comment