YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 11, 2014

Nasaksak na 70 anyos na turista sa Boracay, iniimbestigahan pa rin ng BTAC

Posted November 10, 2014
Ni Gloria Villas, YESFM Boracay

Tuloy tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tag Boracay PNP Station hinggil sa 70 anyos na turista na nasaksak sa Boracay.

Nitong hapon ay nagkaroon ng follow – up operation ang pulisya, kung saan napag-alaman na wala palang CCTV Camera ang tinutuluyang resort ng turista na malaki umano sana ang maitutulong sa pagkakaresolba ng kaso.

Samantala, matatandaan na nasaksak kaninang madaling araw sa station 1 Barangay Balabag ang matanda ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa report ng Boracay PNP, naglalakad lamang papunta sa grotto ang biktimang si Virgelio Bartolome ng Caloocan City nang may bumati sa kanya mula sa isang grupo ng mga tumatambay sa lugar na hindi naman nito pinansin.

Bigla na lamang umano siyang sinuntok ng taong bumati sa kanya na agad niyang naiwasan.

Samantala, tumakbo pa sana ang biktima subali’t nasaksak parin ito ng suspek.

No comments:

Post a Comment