Posted November 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Humingi ng tulong sa Boracay PNP Station ang isang
lalaking Chinese national matapos na umano’y masalisihan sa Boracay.
Ayon sa blotter report ng BTAC, sumakay ang 28
anyos na biktima na nakilalang si Fei Teng sa tricycle papuntang D’Mall at nang
makarating ay saka umano nalaman nitong bukas na ang zipper ng kanyang bag.
Nang suriin ay doon na nalaman ng biktima na
nawawala na ang kanyang digital camera at Go Pro Band.
Samantala, nanniniwala naman ito na nasalisihan sya
sa isla habang papunta ng D’Mall sa Balabag Boracay.
No comments:
Post a Comment