Posted
November 8, 2014
Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Ayon sa report
ng Boracay PNP, natuklasan na lamang ng 65 anyos na si Toshiharu Aizawa na wala na ang kanyang 1 daang libong Yen o
katumbas ng 40 libong piso sa kanyang luggage.
Itinuturo
namang suspek ng Hapon ang mismong girlfriend.
Sumbong pa nito
sa presento ng pulis, nag-away pa sila kagabi ng kanyang kasintahan bago ang
insidente.
Napag-alamang
pinabuksan pala nito sa housekeeping staff ng tinutuluyang hotel sa Barangay
Manoc-manoc ang kanilang kuwarto at kinuha ang lahat ng kanyang mga gamit at
tumakas.
Naniniwala
naman ang Hapon na dala din ng suspek ang kanyang pera.
No comments:
Post a Comment