Posted November 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa nalalapit na ang panahon ng kapaskuhan hindi
pinalagpas ng Caticlan Jetty Port ang paglalagay ng mga Christmas decorations
sa bawat sulok ng kanilang gusali.
Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, ito umano ang kanilang pambungad sa mga turistang pupunta
sa isla ng Boracay para magbakasyon ngayong Holiday Season.
Nais umano nilang madama ng mga turista ang nalalapit na
kapaskuhan at ang masayang pagdiriwang nito sa isla ng Boracay.
Maliban dito, ibat-ibang business establishment at mga
hotel sa Boracay ang nagprisentang maglalagay ng mga karagdagang Christmas
decorations sa Caticlan at Cagban Jetty Port.
Sinabi pa ni Pontero na maglalagay umano ng malaking
Christmas tree ang isang resort sa Boracay sa Cagban Jetty Port.
Nabatid na taon-taon itong ginagawa ng Caticlan
Administration para lalong maengganyo ang mga turistang nagbabakasyon sa isla
ng Boracay.
No comments:
Post a Comment