Posted
November 13, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ilan lamang umano ito sa kadalasang ginagamit bilang
palamuti ngayong nalalapit na kapaskuhan na posibleng pagmulan ng sunog kung
hindi maingat at tama ang paggamit.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Unit-Boracay Chief
Fire Inspector Stephen Jardeleza, mahigpit umano silang nagmomonitor sa mga
kabahayan at establisyemento sa Boracay kaugnay sa paggamit ng mga Christmas
lights na siyang isa sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sunog.
Sa ngayon umano ay nag-aantay pa sila ng utos mula sa
kanilang Regional at National Office para sa iba pang hakbang na kailangang
gawin pagdating sa gagawing pag-momonitor sa mga ginagamit na Christmas
decorations.
Pinaalalahan din nito ang mga mamimili na huwag bumili ng
mga Christmas lights na walang ICC sticker na nakadikit sa mismong lalagyan ng
Christmas lights dahil maaaring hindi ito ligtas gamitin.
Matatandaang nagsanib pwersa ang Department of Trade and
Industry (DTI) at ang Philippine National Police (PNP) para kumpiskahin ang mga
ibinibintang Christmas lights na walang ICC at hindi nakapasa sa kanilang
standards.
No comments:
Post a Comment