Posted November 15, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Naging kontrobersyal ang halaga ng perang isinauli
ng trisekel driver sa Boracay na si Elizaldy Lagunday.
Naging usap-usapan kasi at kumalat ang balita,
hindi lamang ang tungkol sa kabayanihan ng nasabing drayber kungdi ang kung
magkano talaga ang isinauli nitong pera.
Bagama’t nalulungkot, iginiit naman ni Lagunday na
wala itong dapat ipaliwanag o sabihin dahil wala umano itong alam kung magkano
ang pera niyang isinauli.
Hindi rin naman umano niya binilang ang pera sa bag
matapos niyang makita ang laman nito kasama ang dalawang gadgets.
Ayon pa kay Lagunday, nagulat din siya sa mga
kumakalat na kuwento sa mga pilahan ng traysikel tungkol sa nasabing pera.
Samantala, sa kabila ng kontrobersiya, nanindigan
parin si Lagunday na patuloy itong magsasauli ng anumang gamit na maiiwan sa
kanyang traysikel.
Kaugnay parin nito, nabatid na ikinadismaya naman
ng Boracay PNP ang kumalat na balita tungkol sa pera dahil 40, 000 pesos lamang
pala umano ito at hindi 3.5 million pesos.
Napag-alamang sa Boracay PNP Station na nagkita si
Lagunday at ang pasahero nitong nagmamay-ari ng bag na may pera nitong
nakaraang November 2.
No comments:
Post a Comment