Posted November
13, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay BIWC Management and Technical Service Group Head
Engr. Byder Nangit, isusunod na rin nila ang pagdi-demolish ng mga manhole
pagkatapos ang kanilang ginagawang pipe-laying o paghuhulog ng tubo.
Sinabi rin nito na naantala ang kanilang trabaho dahil sa
pagpapahinto sa kanila ng ilang resort na naapektuhan ng nasabing proyekto.
Maliban dito, kailangan din umano nilang ikonsidera ang
high tide at low tide kung kaya’t napipilitan silang magtrabaho ng madaling
araw na siya namang inaalmahan ng nagrereklamong resort.
Sa kabila nito, umapela naman ng pang-unawa at humingi ng
paumanhin si Engr. Nangit dahil sa abalang naidulot ng nasabing proyekto.
Nabatid na target din umano nilang matapos ang proyekto
bago matapos ang 2014.
Magugunitang sinimulang trabahuin ng BIWC ang paglipat sa
mga sewer line sa Sitio Sinagpa, Barangay Balabag partikular ang sa BTR o
Boracay Terraces Resort papuntang Las Brisas Resort nitong nakaraang buwan ng
Sityembre.
No comments:
Post a Comment