Posted November 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa BTAC ang Spa Attendant ng isang
resort sa Balabag Boracay matapos na umano’y hinipo ng guest na Arabo.
Sumbong ng 25 anyos na nakilalang si “Lyn”, kinausap
ito kaninang madaling araw ng arabong si “Binheja Abdullah” sa dispatching
area.
Inalok umano ito ng spa attendant kung nais nyang
magpa-spa at mabilis namang sumagot ng “yes” ang arabo.
Subalit, ilang sandali pa nang muling bumalik ito
sa dispatching area kung saan naka-duty ang spa attendant ay malisyoso umanong
hinawakan ng turista ang kanyang balikat at hinimas ang kanyang kamay.
Dahil sa takot, tumungo sa himpilan ng BTAC ang spa
attendant at ipina-record ang pangyayari.
No comments:
Post a Comment