Posted November 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Dahil dito, ilang residente at mga turista ang nagbigay
ng kanilang saloobin sa tagpong kanilang nakita sa lugar.
May mga nagsabing triping ng mga ‘turistang puti’
ang pagtulog doon hanggang madaling araw at hindi na bumalik sa tinutuluyang
resort o hotel dahil sa kalasingan.
Duda rin ang ilang residenteng napadaan sa grotto kung
tulog nga lang ba ang ginawa ng mga ito doon lalo pa’t madilim sa bahagi ng
Boracay Rock na tinulugan nila.
Samantala, ilan din ang nagsabing ‘ok’ lang kung
makatulog ang mga turista doon, basta’t ligtas ang mga ito sa masasamang elemento
katulad ng mga kawatan.
Kaya naman nanawagan ang mga ito sa mga otoridad na
bantayan ang lugar lalo pa’t madalas ding may turistang nabibiktima ng
pagnanakaw habang naliligo.
Tinatayang lima hanggang anim na mga turistang mga
lalaki ang naispatang natutulog na walang damit pang-itaas at naka short o
naka-underware lamang sa likurang bahagi ng grotto sa Boracay Rock na kilala
din bilang Willy’s Rock.
Kinikilalang land mark at sagrado para sa mga lokal
na residente ng isla ang Boracay Rock dahil sa grotto na ipinatayo doon ng
Simbahang Katoliko at Boracay Community.
No comments:
Post a Comment