Posted February 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang lalaking may problema sa pag-iisip ang sinita
ng Aviation security personnel ng Kalibo International Airport (KIA) matapos
umano itong gustong makakuha ng libreng ticket sa eroplano.
Ito ay kinilalang si Manolo Sonio, 39-anyos na pinaniniwalaang
may problema sa pag-iisip na agad namang itinurn-over sa Kalibo police station.
Ayon naman sa mga security personnel na sumita rito,
nagpakilala umano itong empleyado ng MalacaƱang ngunit bigo namang makapagbigay
ng identification card at ticket.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad residente ng Bocaue,
Bulacan ang nasabing lalaki at may pamilya naman sa bayan ng Balete, Aklan.
Nabatid na ito na ang ikatlong pagkakataon na pinasok
ng may problema sa pag-iisip ang bisinidad ng Kalibo International Airport.
Napag-alaman na isa rito ay nitong nakaraang buwan,
kung saan isang babae ang naka lipad papuntang Korea na walang ticket ngunit
agad namang pinabalik ng Korean Airport Authorities matapos mapag-alamang
walang anu mang travel documents.
Nito ring mga nakaraang linggo ay ginulat din ng
isang babae ang airport security personnel matapos na maispatan na naglalakad
sa runway ng nasabing paliparan kung saan dahil sa mga insidenteng ito ay
na-relieved si dating Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Kalibo
Manager Cynthia Aspera.
No comments:
Post a Comment