Posted February 20, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Patuloy parin ang pakikipag-‘hide and seek’ ng mga
illegal komisyoners, tour guides, at vendors sa mga law enforcers.
Sa kabila ito ng mahigpit na pagpapatupad ng
Municipal Ordinance No. 181, S. 2002 sa vegetation area at long beach ng
Boracay.
Sa unang araw palang ng ikinasang clearing
operation ng Boracay PNP at Boracay Task Group Philippine Army, dismayado na
ang mga law enforcers dahil sa pagiging pasaway ng mga commissioners at tour
guide.
Ayon sa ilang taga Boracay PNP, kaagad at lantarang
nang-aalok sa mga turista ang mga komisyoner kahit hindi pa sila nakakalayo.
Mistula namang naglalaro ng tagu-taguan ang ilan sa
mga ito dahil binabantayan lamang nila ang pagdaan ang mga MAP o Municipal
Auxiliary Police at saka muling babalik sa pang-aalok.
Dahil dito, tahasang sinabi ng ilang komisyoner at
vendors na mataas na ang isang linggo sa nasabing clearing operation at
implementasyon.
Samantala, maliban sa pagkompiska ng mga brochures
at marketing materials ng mga komisyoners, nabatid na nagbabala na rin ang mga
law enforcers sa mga tinaguriang ‘pasaway sa baybay’na mananagot sila sa batas
kapag ipinagpatuloy pa nila ang kanilang gawain.
Magugunita namang hinigpitan ng LGU Malay ang
pagpapatupad sa nasabing ordinansa dahil sa mga reklamo nilang natatanggap mula
sa mga turista katulad ng estafa at panloloko sa kanila ng mga illegal tour
guide at komisyoner.
No comments:
Post a Comment