Posted February 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging matiwasay ang pagsalubong ng mga turista ng
Chinese New Year sa isla ng Boracay kaninang madaling araw.
Ito’y sa kabila ng ginawang pagbabantay ng mga pulis para
sa seguridad ng mga turista lalo na sa beach area kung saan dagsa ang maraming
tao.
Wala namang naitalang insidente ang Boracay PNP na may
kaugnayan sa nasabing okasyon kung saan masaya naman itong sinalubong ng mga
Chinese at Taiwanese Tourist sa isla maging ng ibang lahi.
Katunayan nakisaya ang mga nasabing turista sa ibat-ibang
pakulo ng mga restaurant sa beach front kung saan naghain ang mga ito ng mga
pampaswerting pagkain.
Isa pa sa mga inabangan ng mga turista kagabe ay ang mga
naggagandahang fireworks display na handog ng ilang business establishment sa
Boracay.
Samantala, inaasahan naman mamayang gabe ang kaliwat
kanang selebrasyon sa Boracay para sa pagdiriwang ng Chinese New Year kung saan
ilang pang fireworks display ang inihanda para dito.
No comments:
Post a Comment