Posted February 17, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patuloy pa rin na pinag-aaralan ng pamahalaang
probinsyal ng Aklan ang 10-Hectare Reclamation Project ng Pook Ecological
Tourism Development Project.
Una rito, nabatid na pinagpulungan ng SP Aklan, PPDO
Coordinator Engr. Roger Esto, Provincial Legal Officer Engr. Edelzon Magalit,
Provincial Engineer Engr. John Kenneth Almabis, AKENRO at Jetty Port
Administrator Nieven Maquirang ang nasabing usapin upang sa magandang
pagsasagawa nito.
Nabatid na ang 10-Hectare Reclamation Project ng
Pook Ecological Tourism Development Project ay ipinanukala ni dating Gov.
Carlito Marquez , kung saan pinayagan ang dating gobernador ng SP Aklan na
mag-sumite ng aplikasyon sa Philippine Reclamation Authority na mag-reclaim ng
10 hectares sa shoreline ng Barangay Pook sa bayan ng Kalibo.
Isa umano ito sa mga mekanismo ng Pook Ecological
Tourism Development Project, na syang magiging alternatibong daanan papunta ng
Boracay lalo na sa mga turistang nanggagaling sa Kalibo International Airport
(KIA).
Samantala, ipinasa ang nasabing panukala sa
pamamagitan ng Resolution No. 2012-299 sa 38th SP Regular Session noong
November 7, 2012.
No comments:
Post a Comment